Mahigit 800 na gagamba nasabat ng BOC

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang 809 na piraso ng spiderlings at 17 adult spiders o gagamba sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ayon sa BOC, nakalagay ang kargamento sa tatlong postal parcels.

Galing sa Poland ang mga kargamento at naka-consign sa mga residente sa Pasay City, Parañaque City at Batangas.

Nakabalot ang mga gagamba sa maliliit na plastic vials at foil na may bulak.

Agad naman na itinurn-over ng BOC ang mga nakumpiskang gagamba sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU).

Hindi naman tinukoy ng BOC kung kanino nakapangalan ang mga gagamba.

 

Read more...