Cardinal Jose Advincula nag-positibo sa COVID-19

 

Nag-positibo sa Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa COVID-19.

Ito ay base sa abiso na inilabas ng Manila Cathedral.

Ayon kay Chancellor Father Reginald Malicdem, nakararanas ng lagnat si Cardinal Advincula.

Maliban sa lagnat, wala na aniyang nararamdamang ibang sintomas ang Cardinal.

Sa ngayon, naka-quarantine na si Cardinal Advincula at minomonitor ng mga doktor.

Umaapela si Father Malicdem ng panalangin para sa agarang paggaling ni Cardinal Advincula at iba pang tinamaan ng COVID-19.

Nabatid na nagmisa pa noong Miyerkules si Cardinal Advincula sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City.

 

Read more...