20,336 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Umabot sa 20,336 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 2,324,475 naang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 10,028 na gumaling at 310 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.1% (188,108) ang aktibong kaso, 90.3% (2,100,039) na ang gumaling, at 1.56% (36,328) ang namatay.

Umabot naman sa 310 ang bilang ng mga nasawi.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 15, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

Read more...