Nasa 57 na lugar sa National Capital region ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya, halos lahat ng local government unit sa Metro Manila ay naka-granular lockdown.
Ayon kay Malaya, bahala na ang LGU kung magbibigay ng advance warning kung isasailalim sa granular lockdown ang isang lugar.
Ipinatupad ng pamahalaan ang pilot testing ng granular lockdown noong September 16.
Nasa Alert Level 4 ngayon ang Metro Manila.
May mga lugar aniya na kailangang isailalim sa granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Kasabay nito, sinabi ni Malaya na tagumpay naman ang unang araw ng implementasyon ng Alert Level 4.
MOST READ
LATEST STORIES