Aabot sa 250 ektaryang lupa ang ipamamahagi ng Department of Agrarian reform sa mga magsasaka sa Busunga, Palawan.
Ayon kay DAR-Palawan Provincial Agrarian Reform Program Officer II Daisy Magbanua, nasa 98 na agrarian reform beneficiaries ang makatatanggap ng lupa sa Yulo King Ranch.
Ayon kay Magbanua, ang Yulo King Ranch ay nasakop ng Comprehensive agrarian Reform Program.
“Ang kaukulang Deed of Transfer (DOT) ay inihanda at isinumite sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa paglilipat ng labing-anim (16) na mga parsela sa DAR sa ilalim ng CARP,” ayon kay Magbanua.
Sinabi naman ni DAR Secretary John Castriciones na nakapamahagi na ng 80 ektarya ng mga lupang agrikultura sa 102 ARBs, ang unang tranche ng government-owned-lands (GOLs) sa munisipalidad noong Enero 22, 2021.