Nagpatupad ng travel restriction ang Pilipinas sa apat na bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman harry Roque, kasama na ngayon sa “red list” o mga bansang high-risk for COVID-19 ang Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.
Tatagal ang travel restriction hanggang September 30.
Una nang nagpatupad ng travel restriction ang Pilipinas sa Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland.
Samantala, nasa “green list” naman ang mga bansang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Gabon, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikstan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Vanuatu, at Yemen.
Ibig sabihin ng green list ay maaring makapasok sa bansa ang mga biyaherong fully vaccinated pero kinakailangan na sumailalim s apitong araw na facility-based quarantine.
Nasa “yellow list” naman ang ibang bansa na hindi nabanggit sa listahan.
Ibig sabihin, lahat ng inbound travelers na galing sa mga moderate-risk ng COVID-19 ay maaring pumasok sa bansa pero kinakailangan na sumailalim sa 14 araw na quarantine. Sampung araw dito ay dapat nasa facility-based quarantine habang ang apat na araw ay home quarantine.