Isang milyong doses ng single-shot Sputnik V light vaccine darating sa bansa sa Setyembre

Darating na sa bansa sa loob ng buwang ito ang isang milyong doses ng single-shot COVID-19 Sputnik V Light vaccine.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., maaring dumating na rin ngayong weekend ang 190,000 doses ng Sputnik V na pang-second dose.

Matatandaang naantala ang delivery ng second dose ng Sputnik V sa bansa.

Pero ayon kay Galvez, wala namang dapat na ipag-alala ang mga naturukan ng first dose ng Sputnik V kung hindi agad nakatanggap ng second dose sa loob ng isang buwan.

Inirerekomenda naman kasi aniya ng mga eksperto na 21 hanggang 42 na araw o hanggang anim na buwan ang maaring maging interval ng first at second dose.

 

Read more...