Records ng 1,479 contractual employees ng PCOO hiningi ng ilang senador

Sa pagdinig sa Senado ng 2022 budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), hiniling ni Minority Leader Frank Drilon na isumite ang records ng 1,479 contractual employees ng tanggapan ni Secretary Martin Andanar.

 

Sa nabanggit na bilang, 375 ang pinuna ng Commission on Audit (COA).

 

Pagdududa ni Drilon ang mga contractual employees ay ‘trolls’ ng Malakanyang.

 

Itinanggi naman ni PCOO Undersecretary  Kris Ablan na wala silang ‘trolls’  at buwelta naman ni Drilon ay hindi niya inaasahan na aaminin ito ng Malakanyang.

 

Kinumpirma naman ni Ablan na 375 sa kanilang contractual ay pinondohan ng P75 milyon.

 

Katuwiran ni Drilon sa paghingi niya ng personal records ng mga contractual, gusto lang niyang masiguro na lehitimo at talagang nagta-trabaho ang mga ito.

 

Humirit din si Senador Nancy Binay na kasama  sa mga ipinasusumite ni Drilon ay ang accomplishments ng mga contractual.

 

Ang nais ng dalawang senador ay sinuportahan naman ni Senador Nancy Binay.

Read more...