Dating kaalyado ni Pangulong Duterte nakipag-pulong kay Sen. Pacquiao

(Facebook post of Congressman Alvarez)

Binisita ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez si Senator Manny Pacquiao sa bahay ng huli sa Makati City noong Miyerkules.

Sa kanyang Facebook post noong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Alvarez na dinalaw niya ang mga kaibigan sa PDP-Laban.

Sinabi pa nito na napag-usapan nila Pacquiao ang kanilang mga plano sa 2022 elections at pakikipag-alyansa.

“Discussing 2022 and possible alliances with old friends from PDP-Laban. We are all praying to have leaders that Filipinos need to help solve our problems amid the pandemic,” sabi ni Alvarez, na siyang pangulong ngayon ng Partido Reporma.

Kasama sa pulong si Ron Munsayac, ng PDP – Laban at kasama naman ni Alvarez si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

Nag-post din si Alvarez ng mga pictures ng kanilang pulong.

Sinusuportahan ni Alvarez ang tambalang Ping Lacson – Tito Sotto sa 2022 elections.

Read more...