21,261 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Aabot sa 21,261 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, nasa 2,304,192 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa natuang bilang, 7.7% o 177,946 ang aktibong kaso, 90.7% o 2,090,228na ang gumaling.

Nasa 1.56% o 36,018 naman ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 14, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratory na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.

Paalala ng DOH, patuloy na sumunod sa minimum public health standards para makaiwas sa naturang sakit.

 

 

Read more...