Aabot sa 327,651 katao ang sinita ng Philippine National Police habang umiiral ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila noong August 21 hanggang September 15.
Base sa talaan ng PNP, 224,626 katao ang nasita dahil sa hindi pagsunod sa minimum public health safety standards; 87,729 ang lumabag sa curfew, at 15,296 ang lumabas ng bahay kahit na hindi Authorized Persons Outside Residence.
Paalala ni PNP chief Guillermo Eleazar, patuloy na sumunod sa health protocols para tuluyang magapi ang COVID-19.
Sa ngayon, nasa Alert Level 4 ang Metro Manila.
Ibig sabihin, bawal lumabas ng bahay ang mga 18 anyos pababa at 65 anyos pataas.
MOST READ
LATEST STORIES