Umaapela si dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa Inter-Agency Task Force na payagan nang makalabas ng bahay ang mga fully vaccinated na Authorized Persons Outside of Residence kahit na nasa locked-down areas.
Ayon kay Marcos, dapat na hayaan ang mga APOR na makapaghanap-buhay sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
“Let them go out for a living. And allow them to be with their families after work. It’s their daily routine to get through with this pandemic… financially and mentally,” pahayag ni Marcos.
Umiiral ang Alert Level 4 ngayong araw sa Metro Manila.
May mga lugar na isinailalim sa granular lockdown kung saan tanging ang mga healthcare workers at umuuwinng overseas Filipino workers lamang ang itinuturing na APOR.
“Bakit pa sila tinawag na APOR kung hindi rin naman pala sila papayagang makalabas ng bahay, hindi ba’t yun naman ang kahulugan ng acronym na iyon?” tanong ni Marcos.