Pamamahagi ng ECQ ayuda, natapos na

PHOTO: Manila PIO

Natapos na ng pamahalaan ang pamamahagi sa P11 bilyong ayuda sa mga residente sa Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ito ang inireport ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People kagabi.

Ayon kay Año, mahigit 11 milyong benepisyaryo ang nakinabang sa ayuda.

Isasauli aniya ng Makati City local government ang P29.4 milyon sa national government dahil nakatanggap na ng ayuda ang lahat ng benepisyaryo.

Aabot sa P1,000 hanggang P4,000 ang natanggap na ayuda ng bawat pamilya.

 

Read more...