P1.35-P1.50 dagdag sa oil products epektibo na ngayong araw

 

Inquirer file photo

Magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, May 3, 2016.

Epektibo alas-6:00 ng umaga, magdaragdag ng ₱1.50 sa kada litro ng gasolina ang Petron, Shell, SeaOil, Phoenix, Eastern, Total at PTT.

₱1.35 naman ang magiging dagdag ng mga nasabing kumpanya sa kada litro ng kanilang diesel.

Gayundin ang Flying V, na kanina pang 12:01 ng hatinggabi nagpatupad ng kanilang taas-presyo.

May dagdag rin na ₱1.40 sa presyo ng kada litro ng kerosene ang Flying V, Petron, Shell, at SeaOil.

Matatandaang noong April 26 lamang ay nagtaas rin ang presyo ng mga produktong petrolyo, ngunit hindi naman ito lumampas sa piso kada litro.

Read more...