Sinabi ni Senate Presidente Vicente Sotto III na hindi maaring pagbawalan ng Malakanyang si dating Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang sa pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Giit ni Sotto hindi maaring sakupin ng kautusan ng Malakanyang ang mga pribadong indibiduwal tulad ni Yang.
Aniya ang maaring pigilan sa pagdalo ay ang mga opisyal ng gobyerno, partikular na ang mga miyembro ng gabinete.
Bukod kay Yang, kailangan din tumalima sa imbitasyon ng Senado si dating Budget Undersecretary Christopher Lao at mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals.
Nagsilbing ‘tulay’ si Yang ng mga may-ari ng Pharmally kay Pangulong Duterte.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na siya ang magpapasiya kung dadalo ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa pagdinig sa Senado sa katuwiran na nasasayang lang ang oras ng mga ito sa paghihintay na sila ay makapagpaliwanag.