Lumabas na 22 katao ang positibo sa COVID 19 sa Convent of the Holy Spirit sa Quezon City.
Ayon sa pamahalaang-panglungsod may 20 nakatira sa naturang kumbento sa Poinsettia Street.
Sinimulan na ang pagsasagawa ng contact tracing at inaalam na rin kung sino ang nagdala ng nakakamatay na sakit sa loob ng kumbento.
Sa ngayon ay ipinatutupad ang special concern lockdown sa kumbento.
Bago pa ito, nadiskubre din ang COVID-19 outbreak sa Religious of the Virgin Mary Convent, kung saan may 114 madre at staff ang nanunuluyan.
Noong nakaraang linggo, 122 katao, kabilang ang 99 bata, ang nag-positibo sa COVID 19 sa isang pribadong bahay ampunan sa lungsod.
Ang mga may-sakit na bata sa Gentle Hands Orphanage sa Barangay Bagumbuhay ay may edad 19 pababa.