Bahagyang bumaba ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Setyembre 15.
Base sa talaan ng Department of Health, nasa 16,989 na kaso lamang ang naitala kumpara ngayong araw kumpara sa mga nakalipas na araw na pumapalo sa mahigit 22,000.
Ayon sa DOH, kaya mababa ang mga nag-positibo dahil sa mababang output ng testing laboratories.
Nasa 2,076,823 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, 170,446 ang active cases.
Nasa 214 katao naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES