Nasa 1.7 milyong Filipino na ang nakatanggan ng national ID cards.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista na 42 milyon ang nagpa-rehistro para kumuha ng national ID.
Ayon kay Bautista, nabigyan na ng oportunidad ang mga nakakuha ng national ID na makapagbukas ng bank account sa Landbank.
Sa ngayon, limang milyong Filipino na aniya ang mayroong Landbank account.
Kasabay nito, umapela si Bautista sa publiko na iwasang post sa social media, lalo na sa Facebook ang mga natatanggap na id cards para maiwasang magaya at mapeke.
Babala ni Bautista, may kaukulang parusa ang naghihintay para sa sino mang mamemeke ng national ID.
MOST READ
LATEST STORIES