76-anyos na lola, patay sa hataw ng martilyo sa Caloocan

 

Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang pamangkin ang isang 76-anyos na lola makaraang pasukin umano ng mga magnanakaw ang kanyang bahay sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ni Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police ang biktima na si Lourdes Alicante-Tolore, isang retiradong accountant at residente ng Talilong St., Kaunlaran Village Caloocan City.

Nagtamo ang biktima ng mga malalalim na sugat sa kanyang ulo na hinihinalang nagmula sa isang martilyo na siyang ikinamatay nito.

Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre na lamang na duguan ng kanyang pamangkin ang biktima sa loob ng bahay na nakatali pa ang magkabilang kamay at natatakluban ng unan ang ulo.

Nang dumating ang mga pulis, nadiskubre ang isang duguang martilyo at screw driver sa crime scene.

Sinira rin ng mga salarin ang kandado sa cabinet ng biktima at hinalughog ang tahanan nito.

Hinala ng mga otoridad, posibleng hindi bababa sa dalawang suspek ang nanloob at pumaslang sa biktima.

Nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga otoridad sa krimen.

Read more...