Malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Oktubre, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa Pangulo, maaring makatanggap ng bakuna ang general public sa susunod na buwan.

Pero ayon sa Pangulo, kinakailangan munang maging stable ang suplay ng bakuna sa bansa.

Base sa talaan ng immunization program ng pamahalaan, prayoridad ang health workers, matatanda, mga taong may sakit, essential workers, at ang indigents.

Sakaling magsagawa ng pagbabakuna sa general public, dapat unahin ang walang-wala at ang mga mahihirap.

Sa ngayon, halos 60 milyong bakuna na ang nakukuha ng Pilipinas.

Read more...