367 overseas Filipinos mula sa Lebanon, Syria at Bahrain, nakauwi na ng bansa

DFA photo

Nakauwi na ng Pilipinas ang 367 distressed at undocumented overseas Filipinos mula sa Lebanon, Syria, at Bahrain, Lunes ng umaga (September 13).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakauwi ang mga Pinoy sa pamamagitan ng sweeper flights na inayos ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA-OUMWA).

Kabilang sa mga nakauwing overseas Filipinos ang limang human trafficking survivors mula sa Syria.

“While the DFA chartered operations will soon wind down, our commitment to bring home all distressed overseas Filipinos amidst the coronavirus pandemic remains,” pahayag ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola at aniya pa, “Our people, both here at home and abroad, will continue to do their heroic work at the frontlines and leave no one needing repatriation behind.”

Magkakaroon pa ng isa pang chartered flight mula sa Dubai, UAE sa araw ng Huwebes, September 16.

Ito na ang huling DFA-chartered flight na naka-schedule para sa taong 2021, ngunit, magpapatuloy ang repatriation sa pamamagitan ng commercial flights.

Sa ngayon, umabot na sa 420,205 ang kabuuang bilang ng repatriated Filipinos simula nang magkaroon ng pandemya.

Read more...