Lao, ilan pang opisyal ng Pharmally inilagay sa BI lookout list

Naglabas na ang Department of Justice (DOJ) ng immigration lookout bulletin order laban kay dating Budget Undersecretary Christopher Lao at ilang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Kasunod ito ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado ukol sa umano’y pagbili ng pamahalaan ng overpriced na medical supplies para sa pandemya.

Maliban kay Lao, kabilang din sa lookout list sina Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong at mga opisyal ng Pharmally na sina Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.

Layon nitong mabantayan ang pagbiyahe at kinaroroonan ng mga nabanggit na indibiduwal sakaling subukang umalis ng bansa.

Read more...