212 pang pulis, gumaling sa COVID-19

Nasa 173 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (September 14), 37,356 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,646 ang aktibo pang kaso.

212 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 34,601 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 109 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...