Lagpas 4.65 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,652,801 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 680,274.
Sumunod na rito ang Brazil na may 587,138 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 443,247 naman ang death toll sa India habang 267,969 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 198,799
– Russia – 193,468
– Indonesia – 139,165
– United Kingdom – 134,261
– Italy – 129,955
– Colombia – 125,687
– France – 115,603
– Iran – 114,759
– Argentina – 113,640
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 226,111,764 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 202,757,099 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.