Simula ngayong araw, kinakailangang humingi muna ng permiso o clearance kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng gabinete bago dumalo sa imbestigasyon ng Senado.
Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito na siya na ang magdi-desisyon kung papayagan niya o hindi ang mga miyembro ng gabinete na magtungo sa Senado.
Ayaw kasi ng Pangulo na pinapahiya ng mga Senador ang mga miyembro ng gabinete.
Sinabi pa ng Pangulo na sa dami ng mga iniimbitahan ng Senado na resource person, inaabot ng lima hanggang pitong oras ng mga opisyal at naroon lamang na nakatunganga dahilan kung kaya naabala ang kanilang trabaho.
Kapag nakita ng Pangulo na pabalik-balik na ang isang miyembro ng gabinete, pagbabawalan na niya itong dumalo.
Pero kung resonable naman aniya ang imbitasyon, papayagan niya ito.
Malinaw naman kasi aniya na nais lang ng mga Senador na pahabain ang imbestigasyon lalo’t nalalapit na ang imbestigasyon.
Giit ng Pangulo, pananakot at panlalait din lang naman ang ginagawa ng mga Senador.
Ayon sa Pangulo, sakaling i-cite for contempt ang mga opisyal ng gobyerrno, sagot na niya ito.