Habagat, ITCZ magdadala ng pag-ulan sa ilang parte ng bansa

DOST PAGASA satellite image

Umiiral ang dalawang weather system sa bansa.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa dulong Hilagang Luzon.

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang nakakaapekto sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Bunsod ng naturang weather system, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Eastern Visayas at Caraga.

Sa natitira namang bahagi ng bansa, maari ring makaranas ng mga pag-ulan dulot naman ng localized thunderstorms.

Read more...