Bilang ng mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2021-2022, sumampa na sa 24.60-M

Umabot sa higit 24.60 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll sa unang araw ng School Year 2021-2022.

Base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) sa araw ng Lunes, September 13, nasa 24,603,822 ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 18,561,298 enrollees sa public; 1,443,849 sa private; habang 41,348 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamaraming naitalang papasok na estudyante sa Region 4-A na may 3,226,044 enrollees.

Sumunod dito ang Region 3 na may 2,442,313 enrollees, at National Capital Region na may 2,238,668 enrollees.

Read more...