Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 13), pumalo na sa 2,248,071 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 180,293 o 8.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 20,745 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.4 porsyento ang asymptomatic; 2.62 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 163 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 35,307 o 1.57 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 22,290 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,032,472 o 90.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.