DOH, nilinaw na wala pang pinal na rekomendasyon ukol sa booster doses

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na inaprubahan na ng NITAG ang COVID-19 booster shots para sa healthcare workers.

Base sa inilabas na abiso, sinabi ng DOH na pinag-uusapan pa ng DOH All Expert Groups ang pagbibigay ng booster doses para sa COVID-19.

Sa ngayon, wala pa anilang pinal na rekomendasyon ang mga eksperto ukol sa pagbibigay nito.

“Sa ngayon, wala pang pinal na rekomendasyon ang mga experto o kaya mula sa DOH ukol sa pagbibigay ng booster doses,” saad ng kagawaran.

Read more...