Hiniling ni Senator Francis Tolentino sa gobyerno na payagan ang limited face-to-face classes sa fully vaccinated post-graduate students.
Ayon kay Tolentino, wala siyang nakikitang problema kung may limited face-to-face classes sa mga graduate school at law school basta natapos na ng estudyante ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Kailangan lang din na masunod ang minimum health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (ITAF).
Katuwiran pa niya, karamihan sa post-graduate students ay nagtatrabaho na at maari na silang bakunahan.
Gayundin aniya, dapat ay fully vaccinated na rin ang school officials at faculty members bago makapagsagawa ng face-to-face classes.
Noong Pebrero, pinayagan ni Pangulong Duterte na magkaroon ng limited face-to-face classes sa medical schools at health science institutions.
Nabanggit din ng senador ang pagpabor ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes ngayon taon sa katuwiran na lubhang naapektuhan ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pagkasa ng blended learning system.