Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 2,685

Nasa 138 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (September 13), 37,197 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,685 ang aktibo pang kaso.

108 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 34,403 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 109 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...