Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 225.48 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 225.48 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 225,482,944 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 41,853,362 cases.

Sumunod na rito ang India na may 33,264,175 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,999,779 naman ang kaso sa Brazil habang 7,226,276 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,140,070
– France – 6,905,071
– Turkey – 6,658,251
– Iran – 5,295,786
– Argentina – 5,224,534
– Colombia – 4,930,249
– Spain – 4,907,461
– Italy – 4,606,413
– Indonesia – 4,167,511
– Germany – 4,087,109
– Mexico – 3,511,882

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,644,220 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 202,071,105 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...