DPWH Region 1, nabigyan ng pagkilala

Humakot ng parangal ang Department of Public Works and Highways Region 1 sa ginawang Unified Directors Meeting ng kagawaran.

Kabilang sa mga natanggap na pagkilala ng DPWH Region 1, sa pangunguna ni Director Ronnel Tan, ay ang ‘Top Performing Implementing Unit’.

Nahigitan ng DPWH Region 1 ang target nitong 87 porsyentong Absortive Capacity o ang tamang paggamit ng pondo sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act na nakalaan sa kagawaran, habang umabot naman ng 97 porsyento ang kabuuang performance rating nito.

Nanguna rin ang DPWH Region 1 sa wasto at mabilis na paglalaan ng pondo sa unang bahagi ng taong ito.

Nagpasalasamat naman si Tan sa mga natanggap nilang pagkilala na natamo aniya nila sa tulong narin ng kanilang masisipag na kawani.

Pinuri naman ni DPWH Secretary Mark Villar si Tan dahil ang tagumpay aniya ng DPWH Region 1 ay nagpapatunay ng dedikasyon sa serbisyo at galing sa pamamahala ng direktor kasama ang lahat ng bumubuo nito.

Si Tan ay dati na ring nabigyan ng iba’t ibang pagkilala gaya ng most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.

Tiniyak naman ni Tan na mas lalo pa nilang paghuhusayan ang trabaho at serbisyo publiko sa gitna ng panganib na dulot ng COVID-19.

Read more...