Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pharmally Pharmaceutical Corporation at dating presidential adviser Michael Yang.
Ito ay matapos imbestigahan si Yang ng Senado kaugnay sa umanoý overpriced na medical supplies na binili ng pamahalaan para magamit sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito na magbibitiw siya sa kanyang tungkulin kung mapatutunayang mayroong graft at korupsyon sa pagbili ng pamahalaan sa mga face mask at face shield sa kompanya ni Yang.
Sinabi pa ng Pangulo na ang agenda ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee ay moto propio investigation.
Naghahanap aniya ang mga senador ng technical at financial requirement sa Pharmally.
Ayon sa Pangulo, siya mismo ang nag-utos kay Yang na maghanap ng mga contact sa mga negosyanteng Chinese para makabili ang bansa ng mga medical supplies.
Ayon pa sa Pangulo, 20 taon nang negosyante sa Davao si Yang.
Iginiit pa ng Pangulo na ang malinaw ay mayroong kontrata, may nai-deliver na produkto, kumpleto ang specifications, maayos ang wuality at quantity kung kaya masasabing maayos ang transaksyon.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi na dapat na pakinggan ang imbestigasyon dahil malinaw na pang-istorbo lamang ang ginagawa ng mga mambabatas.