Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon.
Ito ay dahil sa matinding ulan dala ng bagyong Kiko at Southwest Monsoon.
Ayon sa Pagasa, bukas ang gate ng Ipo Dam sa Bulacan ng 0.15 meters.
Nasa 100.86 meters ang reservoir water level ng Ipo Dam at malapit na sa normal high water level (NHWL) na 101 meters.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga low-lying areas sa Angat River sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit at Hagonoy na mag-ingat sa posibleng pagbaha.
Bukas naman ang dalawang gate ng Ambuklao Dam sa Benguet ng isang metro.
Ayon sa Pagasa, nasa 750.56 meters ang normal high water level ng Ambuklao Dam at malapit nang maabot ang 752-meter normal high water level.
Bukas ang tatlong gate ng Binga Dam sa Benguet ng 1.50 meters.
Nasa 574.45 meters ang normal high water level ng Binga Dam at malapit ng maabot ang 575 metere na normal high water level.