Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyermes (September 10), pumalo na sa 2,179,770 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 175,470 o 8.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 17,964 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.8 porsyento ang asymptomatic; 2.48 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 168 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 34,899 o 1.60 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 9,067 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,969,401 o 90.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.