Palasyo, iginagalang ang panukalang parusahan ang magbibigay-komento sa SALN ng isang opisyal

Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang panukala ni Ombudsman Samuel Martires na parusahan ang sinumang indibidwal na magkokomento sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng isang government official.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang constitutional body ang Ombudsman at marampat lamang na igalang lamang ang opinyon ni Martires.

“Nirerespeto po namin ang opinion ng Ombudsman dahil ay constitutional body. We respect his opinion,” pahayag ni Roque.

Matatandaang sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Martires na dapat lamang na parusahan ng hindi bababa sa limang taon ang mga nagkokomento sa SALN.

Read more...