12 pasahero ng nagkaaberyang bangka sa Cebu, nasagip

Photo Courtesy: Reynold Aguilar

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 pasahero ng nagkaaberyang bangka sa Cebu noong September 9.

Kabilang sa mga nasagip ang walong menor de edad sa karagatang sakop ng San Remegio.

Nagmula ang bangka sa Bantayan Island at habang patungo sa Barangay Hagnaya sa San Remigio, nagkaroon ng problema ang makina nito.

Agad rumesponde ang PCG ng floating asset para sa conduct search and rescue operations.

Inilipat ang mga pasahero sa aluminum boat at binigyan ng life vests, habang ang nirentang bangka ay dinala sa Hagnaya Fish Port sa San Remigio.

Read more...