Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (September 10), 36,715 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,592 ang aktibo pang kaso.
155 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 34,015 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 108 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES