Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 224.05 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 224.05 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 224,053,437 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 41,561,156 cases.

Sumunod na rito ang India na may 33,163,004 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,958,899 naman ang kaso sa Brazil habang 7,132,072 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,084,284
– France – 6,877,825
– Turkey – 6,590,414
– Iran – 5,237,799
– Argentina – 5,218,993
– Colombia – 4,925,000
– Spain – 4,903,021
– Italy – 4,590,941
– Indonesia – 4,153,355
– Germany – 4,058,940
– Mexico – 3,479,999

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,621,294 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 200,653,244 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...