PCSO subsidy sa Red Cross puwedeng ma-audit ng COA – DOJ chief

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaring masuri ng Commission on Audit (COA) sa subsidiya na natatanggap ng Philippine Red Cross (PRC) mula sa gobyerno.

Ipinaliwanag ni Guevarra na base sa Saligang Batas may kapangyarihan ang COA na makapagsagawa ng post-audit sa mga paggasta ng isang non-governmental entity na nakakatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno.

Binanggit niya na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay may subsidiya sa PRC.

Ang pahayag na ito ng kalihim ay pagpapatibay lang sa pahayag ng Malakanyang na maaring makapagsagawa ng special audit ang COA sa PRC, na ang chairman ay si Sen. Richard Gordon.

Una itong binanggit ni Pangulong Duterte sa pakikipagsagutan niya kay Gordon, na pinangungunahan ang pag-iimbestiga sa Senado sa COVID-19 funds ng Department of Health (DOH).

Read more...