Luwag sa mga ‘fully vaccinated’ inihirit ng Metro Manila mayors sa IATF

Hiniling ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang COVID 19 guidelines sa mga indibiduwal na nakakumpleto na ng kanilang COVID 19 doses.

 

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang kahilingan ay para naman mapasigla ang ekonomiya sa Kalakhang Maynila.

 

Naniniwala din si Abalos na makakatulong ang pagpapaluwag sa fully vaccinated sa vaccination rollout.

 

“With the NCR being considered right now to be the epicenter of this pandemic and the region with the most number of vaccinated individuals, we are confident that we can find the right balance between safeguarding the public’s health and reviving economy,” sabi ni Abalos.

 

Ibinahagi niya na halos 5.5 milyon na ng mga taga-Metro Manila ang nakatanggap na ng kanilang second dose samantalang 8.2 milyon naman ang may first dose na.

 

Kayat aniya maaring ngayon buwan hanggang Oktubre ay magiging ‘fully vaccinated’ na rin ang higit sa walong milyon katao.

 

Iiral ang Setyembre 15 ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Read more...