De Lima kay Pangulong Duterte: Walang SALN, walang kredibilidad!

Hindi magkakaroon ng kredibilidad si Pangulong Duterte sa pagtatanggol sa mga sinasabing anomalya na kinasasangkutan ng Pharmally Pharmaceutical Corp. hanggang hindi nito isinasapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“Duterte continues to hide his SALN from the people. That SALN could be hiding billions by now, but we cannot know because Duterte’s appointed Ombudsman cares more about protecting corrupt public officials than the public coffers,” aniya.

 

Dagdag pa ng senadora hanggang hindi din ipinapakita ng Punong Ehekutibo ang kanyang SALN ay hindi niya maiaalis ang mga pagdududa na hindi siya nakinabang sa mga bilyong-bilyong pisong halaga ng mga kontrata na nakuha sa gobyerno ng kanyang mga kaibigang Chinese.

 

Sabi pa nito, kahit sabihin na hindi overpriced ang medical supplies mula sa Pharmally hindi din maipagkakaila ang mga pagdududa na nabigyan ng pabor ang Pharmally.

 

Una nang inamin ni Pangulong Duterte na kakilala niya ang mga Chinese businessmen na isinasangkot sa mga diumanoy anomalya sa paggamit ng COVID 19 funds ng Department of Health.

Read more...