Ex-presidential economic affairs adviser Michael Yang lulutang na sa Senate hearing

Matapos magpalabas ang Senado ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa hindi pagdalo sa Blue Ribbon Committee hearings, agad humingi ng paumanhin si dating Presidential Economic Affairs Adviser Michael Yang.

Ang paghingi ng paumanhin ay ipinahiwatig ni Yang sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Raymond Fortun.

Bukas ang pagpapatuloy ng pagdinig at nagpasabi na si Yang, sa pamamagitan pa rin ni Fortun, na haharap na siya sa komite na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon.

Hiniling lang nila na magkaroon ng interpreter si Yang dahil hirap ito na magpaliwanag sa wikang English o Filipino.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III babawiin lang nila ang warrant of arrest kapag nagpakita na sa komite si Yang.

Dagdag pa nito, maari naman nilang pagbigyan na magkaroon ng interpreter si Yang, personal nito o bibigyan siya ng Senado.

Read more...