Nakahanda na ang Globe Telecom na mag-alok ng Libreng Tawag, Libreng Charging, Libreng WiFi sa mga residenteng maapektuhan ng Bagyong Kik0.
Ayon sa Globe, naka-standby na ang technical at support personnel ng kumpanya at handang tumulong para matiyak ang patuloy na mga serbisyo sa komunikasyon.
Mayroon na rin nakahanda na mga generator para sa mga pasilidad nito kung sakaling mawalang ng kuryente.
Sa kaso ng malakas na pag-ulan, posibleng pagbaha, o pagguho ng lupa, pinayuhan ng Globe ang mga residente na manatili sa loob ng bahay, mag-imbak ng sapat na pagkain at tubig, maghanda ng mga kandila at first aid kit, tiyakin na ang kanilang mga flashlight ay mayroong ekstra na baterya, i-charge ang mga mobile phone, at manatiling alerto para sa SMS mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung ano ang iba pang dapat gawin.
Ayon sa Pagasa, namataan ang bagyo sa 785 kilometers East ng Baler, Aurora.