Philippine Intl Trading Corp. pinalulusaw ni Sen. Imee Marcos dahil sa ‘systemic corruption’

 

 

Hiniling ni Senator Imee Marcos na buwagin na ang kontrobersyal na Philippine International Trading Corporation (PITC).

Sa inihain niyang Senate Bill 2389, binanggit pa ni Marcos ang isang probisyon sa Konstitusyon na dapat ay napapanatili ang katapatan at integridad sa pagbibigay serbisyo publiko.

Gayundin, dapat aniya gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno laban sa korapsyon at katiwalian.

Sa kanyang panukala, binanggit ni Marcos ang ‘systemic corruption’ sa PITC at ito aniya ang nais na niyang mawala.

Ikinatuwiran pa nito na sa pag-iral ng RA 9184 o ang Government Procurement Act humina na ang mandato ng PITC.

Aniya, ginawa na lang na ‘parking lot’ ng ‘unobligated funds’ ng ibat-ibang ahensiya ang PITC kayat mas makakabuti na buwagin na lang ang ahensiya, na ngayon ay pinamumunuan ni Dave Almarinez.

Bago pa ito, pinuna na ng ilang senador ang sistema ng ‘pasabuy’ ng ilang ahensiya ng gobyerno sa PITC sa katuwiran na ‘natutulog’ lang naman ang pondo.

Read more...