Patay ang siyam na katao habang siyam na mangingisda ang nawawala matapos manalasa ang bagyong Jolina sa Samar.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 8 sa Palo, Leyte, natagpuan ang bangkay ng mga mangingisda na sina Alejandro Solayao, Sonny Boy Ibayan, Joseph Emnas at Benedicto de Paz sa karagatan ng Santo Niño, Samar.
Nabatid na tumaob ang bangkang sinasakyan ng apat.
Nasawi naman ang mangingisda na si Bienvinido Marquez matapos tumaob ang bangkang sinasakyan sa Sierra Island, Samar.
Pauwi na sana si Marquez nang tumaob ang bangka.
Patay din ang mga mangingisda na sina Ryan Jerusalem, na taga-Tarangan, Samar, Ror Carcellar at Mark Jhun Nierras na taga-Daram, Samar.
Namatay naman ang isa pang biktima na si Marcelo Lolo na nalunod sa Maasin City, Southern Leyte.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang siyam na mangingisda