Patuloy na lumalakas ang bagyong Kiko sa Philippine Sea East of Central Luzon.
Base sa 4:00 am advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 785 kilometers East ng Baler, Aurora.
Taglay ng bagyo ang hangin na 185 kilometers per hour at pagbugso na 230 kilometers per hour.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa eastern portion ng Cagayan (Buguey, Lal-Lo, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca); at northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, San Pablo, Cabagan, Palanan).
Asahan na ang malakas na ulan bukas, September 10 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands at northern Isabala.
Makararanas naman ng moderate at malakas nap ag-ulan ang Batanes at natitirang bahagi ng Isabela.