2 suspects sa pagpatay sa ex-tabloid editor nasakote

Nasa kustodiya na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang suspek sa pagpatay sa dating tabloid editor noong nakaraang Agosto 17.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Nilo Anub at Richard Alaba.

Naaresto sila noon pang nakaraang Biyernes ng gabi sa Sto. NiƱo St., Barangay Commonwealth, sa lungsod.

Nabatid na matapos ang krimen, agad na nirebyu ng mga imbestigador ang CCTV footages sa paligid ng pag-aari na beauty saloon ni Salamida sa Kaingin Road sa Barangay Apolonio Samson.

Pinagbabaril si Salamida at ang kasama nitong si Oliver Perona. Agad namatay si Salamida.

Hindi pa rin natukoy ang tunay na motibo sa pamamaslang.

Read more...