Mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2021-2022, pumalo na sa 20-M

Pumalo na sa 20 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Miyerkules ng madaling-araw, September 8, nasa 20,098,808 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 14,477,678 enrollees sa public; 1,041,447 sa private; habang 22,356 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,848,085 enrollees.

Sumunod dito ang Region 3 na may 2,054,569 enrollees, at National Capital Region na may 1,945,826 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase.

Nakatakda ang pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2021-2022 sa September 13, 2021.

Read more...